Monday, March 21, 2005
Salamat sa Panpil17 - Calantoc



Noon, pakiramdam ko alam ko kung ano ang mga ginagawa ko. Tama ang ginagawa ko. Sumusunod sa uso. Sumasabay sa daloy ng panahon at ng lugar. Umaayon sa kagustuhan ng iba. Hindi nagrereklamo. Masaya sa mundo.
Ngayon, parang nakakaramdam ako ng pangangailangan sa pag-iingat. Hindi ko pala alam ang ginagawa ko. Isa akong istranghero sa sarili kong katawan. Magulo pala ang paligid, magulo ang nasa labas ng sarili kong mundo. Pati ang mga tauhan sa eksena dito hindi alam ang patutunguhan ng istoryang ginagawa nila. Alam nila tama ang ginagawa nilang pag-arte. Pag-arte nga lang talaga. Sumusunod lamang sila sa utos ng director – lipunang namamayani. Pero tulad ng mga manonood sa pelikula, pwede pala akong magbigay ng reaction, gumawa ng review. Pwedeng hindi na rin ako manood ng pelikulang ito ayon na rin sa review/reaction ng taong nakapanood na. Pwede ka naman palang tumanggi. Pwede kang magkaroon ng opinion. Yun actually ang pinakamagandang prebilihiyo nating mga tao. At yun ay lalo kong natutunan sa panpil 17. Salamat kay Rolando Tolentino sa kanyang libro dahil oo nga, lahat ng bagay may ibig sabihin. May makikita anmg bawat tao sa bawat bagay. Maaaring hindi magkasundo ang mga taong ito sa interpretasyon nila pero ang mahalaga nag-iisip ka. Salamat sa last Order sa Penguin ni Chris Martinez. Nung una hindi ko talaga maisip ang gustong iparating ng istorya nito. Parang wala lang. Sang-ayon na ‘ko ngayon kay Sheila (San Diego) na astig si Martinez na kapangalan ng schoolmate natin dati. Ang dami niya palang gustong iparating – angst ng mga tao, pinahahalagahan ng mga tao, iba’t-ibang istorya ng mga tao. Salamat sa panpil at mas nag-iisip na ko ngayon tungkol sa nagaganap sa paligid ko. Mas madalas ko kasi dating tinatanggap ang isang bagay as is. ‘Ganun talaga eh.’ Pero hindi pala. Lahat may dahilan. Lahat may ibubunga. At dahil dito, kailangang mag-isip at sipatin ang mga nagaganap. Muli, salamat sa panpil 17.

Posted at 03:03 pm by jmcalantoc
Make a comment  

Si Dexter at Iba Pa - Calantoc

Sa buong semester na ‘to, naging mahalagang lugar at konteksto sa kin ngayon ang Manila Boys Town Complex. Ito kasi ang naging sentro ng project ng group namin sa CWTS. Pitong beses akong nagpabalik-balik dito, dalawang beses na sumali sa isang rummage sale para makakuha ng pondo para sa proyekto namin, at namigay ng 5 solicitaion letters sa mga kaibigan. Pero hindi sa mga nabanggit ang dahilan kung bakit mahalaga sa ‘kin ngayon ang boystown. Yung mga nasa taas, ginagawa ko yun para ipasa ang course. Lately ko lang actually na-realize ang kahulugan ng mga pinaggagagawa namin. Kailangan kami ng mga bata. Sa totoo, si Dexter ang tumatak sa isipan ko. Si Dexter, isa sa 18 beneficiary namin sa cottage-renovation na aming project, ang napili kong interbyuhin para sa aming last paper. 15 yrs old na siya pero nasa 4th grade pa rin. Nung November lang siya dinala sa institution. Isa siya dati sa maraming batang nakikita natin sa kalsada na may sisinghot na kung una mula sa bote na nakatago sa t-shirt nila. 8 magkakapatid sila Dexter pero sa iba-ibang ama. Sa lahat ng nangyari kay Dexter, naniniwala akong wala siya ginawa para mangyari yun. Minsan talaga, the events conspire para subukan ka. Pero naaawa talaga ako sa bata. Sana sila ang pinag-tutuunan ngayon ng pansin ng ating gobyerno, ng mga nakaka-angat na tao na sinasabing gustong i-share ang blessings nila. Sang-ayon ako kay Tolentino na ang mga angas-pilantropo na mga programa tulad ng Maaga ang Pasko sa Jollibee at Bantay bata ay walang maibibigay na pagbabago. Immediate help lang at gratification ang ibinibigay nila sa mga bata. Pang short-term at hindi long-term goals ang tila tinutumbok nila. Hindi nila mas pinagtutuunan ng pansin ang dahilan o punu’t-dulo ng kaapihan ng maraming kabataan, tuloy, walang pagbabago. At dahil sa walang pagbabago, tuluy-tuloy rin lang ang programa nila, at mananatiling mabango ang pangalan ng mga taong nasa likod nito. Kawawa naman si Dexter. Hindi ko alam hanggang kelan ako maaawa kay Dexter. Pero hindi niya kailangan ng awa, alam ko. Pagpapahalaga at pagmamahal ang mas gusto niyang tanggapin mula sa atin.

Posted at 03:01 pm by jmcalantoc
Make a comment  

Nakakahiya.. - Calantoc


Bakit nga ba sobrang tinatangkilik ng mga tao ang pangalan ng ibang tao? Pinagsisikapang bilhin ito, Hangang-hanga sa may suot nito. Isang pribilehiyo kung meron ka nito. Huh, ganito rin ako dati. Ganito pa rin siguro hanggang ngayon, pero sinusubukan ko namang bawasan. Dati proud ako, pero tuwing maaalala ko ang mga natutunan ko sa panpil, nahihiya ako.Nahihiya ako sa sarili ko na nag-aangkin at nagsusot nito, nahihiya ako sa magulang ko na pinanggalingan ko ng sarili kong pangalan at ng perang pinambibili ko sa mga bagong pangalan, at nahihiya ako sa mga taong nakakakita lalo na sa mga nakakilala sa ‘kin dahil may tendency na makalimutan na nila ang tunay kong pangalan at mapalitan ng Bayo, Skechers, Kamiseta Our Tribe, Diesel, at iba pa.
Unti-unti namang proseso ang pagbabago di ‘ba? Kaya sana hindi pa nila ako ikahiya ng tuluyan. Alienation from my own self and on products that I consume ang drama ko. Totoo nga pala talaga ito. Tsk tsk tsk.




Posted at 02:59 pm by jmcalantoc
Make a comment  

Religion - Calantoc

Tapos na ang Lenten season. Start na ng Holy Week. Dati pa ‘ko nagplanong mag-abstinence, hindi ko lang talaga magawa ni masiwalan. Una, wala akong disiplina pagdating sa pagkain. Pangalawa, hindi kami sinanay sa pamilya sa ganung Lenten rite. Katoliko kami, pero non-practicing at sa termino kung titingnan ng ibang tao. Pero naniniwala kami sa Diyos. Hindi naman kasi naka-confine ang religion sa pagsisimba, pagtanggap ng mga sakramento, pagiging devotee ng isang santo, at iba pang esoteric manifestations kuno ng pagiging religious. Iba ang religious sa spiritual. Nalaman ‘ko na higit na natatamo ng isang tao ang tunay kaligayan kung may spiritual fulfillment ito kaya kahit papano gusto ko pa rin maging aktibong katoliko pero hindi ko alam kung pano. Magulo nga talaga ang isip ko. Pwedeng nakikiuso rin ako. Ang dami kasi dyan nag-aabstinence kuno on food pero hindi rin naman naiintindihan ang rationale ng ginagawa nila. Yun kasi daw ang hinihingi ng panahon. Kaya nga rin siguro magulo sa paligid natin dahil mis-educated ang mga tao sa mga ginagawa nila. Alam ko kung bakit may abstince. Pero mas marami ang hindi ko alam tungkol sa relihiyon. Ito nga ang dahilan kaya hindi ako active. Marami pang religious rites ang hindi ko naiintindihan at hindi ko rin siguro pinagtutuunan ng panahong intindihan. Gusto kong matamo ang tunay na kaligayahan. Pero naguguluhan pa rin ako.

Posted at 02:57 pm by jmcalantoc
Make a comment  

PP17 HULING PAPEL - MGA GABAY-TANONG


1. Anong uri ng alienation ang ipinakita sa aling mga eksena ng Last Order sa Penguin?
2. Sino ang tama sa debate sa dulo ng dula, si Tuxqs o si Sweet?
3. Gamit ang mga metodong natutunan sa "News Stories on Rape," suriin ang mga representasyon ng bakla at lesbiana sa dula.
4. Anong uri ng popular na kultura ang tinatangkilik ng mga tauhan at bakit? Ano ang sinabi nito tungkol sa kanilang pagkatao?

Posted at 02:53 pm by jmcalantoc
Make a comment  

Friday, March 18, 2005
KOMENTARYO/10.....Matriano

Popualar na kultura, anu-ano nga ba ang sakop ng tunggaliang ito? Kung pagbabatayan ang mga depinisyong natalakay sa klase, talagang malawak ang sakop nito dahil permanenteng bahagi na ito ng araw-araw na gawi, gawain, at kabuhayan ng mga tao.

Mga teledrama, teleserye, o kung ano pang bersyon nito, ito'y isang uri ng programang naglalayong maibahagi sa mga manonood ang iba't ibang realidad, pantasya, at ang pinagsama nitong dalawang elementong bumubuhay sa isang palabas. Sa diskusyong ito, marapatin ko nang tawagin itong telepantasya para limitahan ang lawak ng diskusyon.

Nakasakay ako sa jeep pawi na galing campus. Pagdaan sa may GMA napansin ko ang mahabang pila ng mga batang babae kasama ang nanay o tatay nila, naghihintay. Pumara yung jeep sa harap ng GMA, may sumakay na mag-ina. Pagkaraan, nakikipagkwentuhan na yung nanay sa katabi nila sa jeep, audition pala yun ng mga batang darna...ano raw?? Tama ba narinig ko? Nung nakaraang buwan yun, yung audition ng mga batang darna. Ahh, kaya pala, patapos na yung series ng Mulawin(yey!). Pero ano ba tong papalit???Waaahhh!!Ganito na ba kalala ang kalagayan ng mentalidad ng mga Pilipino? Basta may powers basta lumilipad patok na agad? Nagulat lang ako lalo na sa overexposure ni Angel Locsin, Alwina, ngayon Narda. Meron rin ba si Angel na kung ano meron si Juday noon? Yung katangian ng ordinaryo, wala namang gaanong alam sa pag-arte, overacting pa nga kadalasan. Yung tipong tinatangkilik ng mga nanonood kasi di na nila kailangang mainsecure kasi kalevel lang naman nila halos ang pinapanood nila, ang kaibahan lang, nasa TV yung babaeng yun at nakakalipad to...


Posted at 07:36 pm by L.G.Matriano
Make a comment  

KOMENTARYO/9.....Matriano

Madaling araw na di pa rin ako antok, medyo lang. Kailangan ko pa kasi magreview sa Physics lab at lec. May ga bigatin kasi akong exam, practical at recit na mo maintindihan...(o baka ako lang talaga di makaintindi)

Ngayon ka lang narealize ang hirap pala gumawa ng komiks, kwento pa lang. Lalo na't alam mong may ibang taong dapat bumasa nun..Di ko sigurado kung matatapos ko, iniisip ko lang, kung ilang araw kaya kay pol bago sya makagawa ng 10pages ng komiks na PDI quality. Ang pagkakaalam ko sa interview dati 1week ata inaabot pag wala sya sa mood. Buti nga sya mood lang kailangan, ako pati kapasidad!!...

Eto na...Sa zsa zsa.

Kadalasan di ba pag komiks mas makatawag pansin pag colored. Kaso ang colored lang ata na part ng zsa zsa yung libreng posters sa likod, makatawag pansin nga! Kaso pano naman ako matutuwa sa picture n 3lalake sa iisang kama na nakakumot lang?? Hanggang ngayon wirdo pa rin sakin ang mundong iniikutan ng mga homo-, kadalasan nakapangingilabot. Like recently, yung "friend" ko mahilig talaga yun sa mga literary works at naiinteresado sya sa iba't ibang social issues siguro. Kaya nung una nyang mabasa yung ladlad1(na nabasa ko rin), tapos may bago nang issue, ladlad2, kahit 300 lang yung dala nya at 210 yung libro bili agad, di ko kaya yun gawin para sa libro...

Marami rin kasi talagang kwento ang mga homo- na wirdo man ay kakatwa pa rin. Example? Wag na bili na lang kayo ng ladlad2, may mababasa kayo dun about a shoplifter, cute yun...
Pinost ko to kasi nawirdohan lang ako sa isa sa mga sinabi ni sir tungkol dun sa pag may nakita daw kaming 2lalake 3lalake 2babae o 3babae na nagsasama wag daw pandirihan, parang ganun pero ibang term ginamit nya. Tingin ko naman di yun ganun kaseryoso. Kahit paano natin gawing pad-inda sa mga ganitong relasyon, di pa rin maaalis sa isip natin yung seksual na bahagi ng isang relasyon, at kung paano ito nagaganap sa pagitan ng dalawang pareho ang gender...


Posted at 04:28 am by L.G.Matriano
Make a comment  

KOMENTARYO/8.....Matriano

Buti na lang pop culture ang topic kundi ang dali siguro naubos ng mga bagay na bubusisiin at pakikialaman kahit wala namang ginagawa sayo. Di rin pala masasabing walang ginagawa, dahil tuwiran o di-tuwiran man ay nakakaimpluwensiya pa rin ang kahit pinakasimpleng bagay..

Naalala ko lang nabanggit ni sir last meeting na sa mga comment tungkol sa last order puro negatibo. Naisip ko na baka istilo na naman ng author yun kaya karamihan samin ganun ang nasabi. Pero iba naman masasabi ko sa play. Siyempre play nga, mas maganda kung aktwal na papanoorin sila harlene bautista, john lapus et.al. Pero sa tingin ko kasi depende rin yun kung pano mo naimagine yung mga nangyayari. Para sa akin kasi maraming kwento dun na naging interesado ako dahil sa napakanatural na pagpasok ng bawat talakayan, lalo la s mga lingo na ginamit sa usapan ng jologs, drugs, lesbian, etc. Namangha ako sa detalye ng bawat linya. May nagsabi nga "it takes one to know one". Lalo ako nalito.. Adik ba si Martinez? Jologs ba sya? Lalong im posible atang lesbian sya!?

Overall, natuwa ako sa libro, yung tipong isang upuan kaya ma tapusin. Pero may mga parte rin talaga na nakakakilabot. Nasabi ko yun dahil sa mga nakakatakot na realidad na maraming taong di nakapupuna...


Posted at 04:03 am by L.G.Matriano
Make a comment  

Wednesday, March 16, 2005
KOMENTARYO/7.....Matriano

Sa pagkakataong ito, ngayon lang ako magkakaron ng rason para magustuhan ang image ni... DINGDONG!!!!!Tama, si Dingdong Dantes nga,a.k.a.,NEO!!Bwahahahaha!!!!!! Ang lupet pare!!Ang baduy!!Kasi naman,imagine nyo na lang,sa cover ng notebook ko( dati ay barbie ngayon papalitan ko na kasi bawas jornal points) sya yung celeb(kung celeb nga ba syang matatawag) ginagaya nya si Neo na lumilipad at umiilag sa bala!Bwahahaha!!Di kaya ako lalong bawasan ni sir ng points???Hehe..Anyway ito na ang post...

Naisip ka lang (Habang tinatawanan ang picture ni Dingdong na umiilag sa bala) kung dapat ko nga bang tawanan yung nasa cover ng notebook ko..(tumatawa na lang sa isip). Kung tutuusin isa itong napakalaking manipestasyon ng popular na kultura. Ginagamit ang imahe ng mga artistang ito sa napakaraming mga bagay, magmula sa pelikula syempre, ads, kampanaya sa eleksiyon, at kung anu-ano pa. Pero sana naman iniisip rin mabuti ng mga kapitalistang ito kung paano at para saan nila gagamitin ang mga artista at sinu-sino ang babagay sa mga iyon,(kulang na lang ilagay si Boy Abunda sa cover ng notebook)..haaay, nakalulungkot minsan isipin ang ginagawang pambababoy sa art. Tuluyan na nga bang nabalewala ang "art for art's sake"...tsk...tsk...


Posted at 06:52 pm by L.G.Matriano
Make a comment  

Tuesday, March 15, 2005
KOMENTARYO/6.....Matriano

Related to sa kapopost ko lang kanina. Isang uri ng computer game ang LAN games na nagiging posible sa pamamagitan ng maraming computer na naka-local area network sa isa't isa. Napansin ko lang kasi ang klase extent ng epekto nito sa mga tao, sa sitwasyong ito, ng mga early adults, mga kalalakihang edad 18 - 23 siguro. Sa IT- log park, isang popular na computer shop sa J. Jimenez QC, mga 11:30 siguro ng gabi, dun ko lang nakita na HINDI PA LAOS ANG COUNTER STRIKE. Normal naman na makakita ng naglalaro ng ganun, syempre computer shop nga. Ang kaso eh may pusta, normal lang kung Pop Cola o Pepsi. Ang kaso eh P200 lang naman bawat player sa pagitan ng 6 na player, 3 bawat grupo. Natalo yung gusto kong grupo, tinalo sila nung mga 'kanto boys'... Ganito na ba talaga kalaki ang epekto nito sa'tin? Pati nga ako na bystander lang eh napapalukot ng mukha kada patay sa mga miyembro ng elitistang 'Counter-terrorist'... tsk..tsk..


Posted at 08:06 pm by L.G.Matriano
Make a comment  


Next Page

   



<< May 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed